173
koko1
By

Koko: Hindi ako pinagtaksilan, sinaksak ng majority bloc

Sharing is caring!

Hindi itinuturing ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na isabgpagtataksil at saksak sa likod ang pagpapababa sa kaniya sa puwesto ng 16 senador sa majority bloc, kabilang si incoming Senate President Vicente Sotto III.

“This is a peaceful and willing transfer of power in the Senate,” pahayag ni Pimentel sa kanyang pagbibitiw bilang Senate President kanina.

Sa isang press conference, sinabi ni Pimentel na kusa siyang bababa sa pwuesto puwesto para bigyang-daan ang pag-akyat ni Sotto bilang bagong lider ng Senado.

Ayon kay Pimentel, siya pa mismo ang magnonombra kay Sotto sa plenary session ngayong hapon.

“I am together with my colleagues in the senate majority in this reorganization of the Senate Leadership and announce that I will be the one to nominate Senator Vicente “Tito” Sotto III as the new Senate President today,” ani Pimentel.

Ayon kay Pimentel, katuparan ito ng dati na nilang napag-usapan ni Sotto ukol sa pamumuno sa Senado.

Mananatili siya sa mayorya at ipauubaya kay Sotto kung anong komite ang ibibigay sa kaniya para pamunuan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?