67
koko-pimentel-3
May 15, 2018 @ 17:50
By

Koko handang bitawan ang Senate presidency

Tiniyak ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi siya magkakapit-tuko sa piwesto kung gusto na siyang palitan ng mga kapwa senador.

“We should not be too attached to the position, basta kung may change in sentiment, we follow the sentiment,” ani Pimentel,

Maugong na ngayong linggo siya papalitan ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III pero naudlot ang sana ay pulong nila sa majority bloc dahil kailangan nilang pagtuunan ang pagluluksa at necrological services ng Senado para kay dating Senate President Edgardo J. Angara.

Ayon kay Pimentel, sa susunod na linggo na lang sila mag-uusap.

Hindi naman umano siya magdaramdam dahil talagang kailangan niya ng panayon dahil maghahanda siya sa kaniyang kandidatura para sa reelekson sa 2019.

Marami rin siyang aatupagin bilang pangulo ng PDP Laban.

Nagbiro naman na kung pwede lamang ay mas gugustuhin niyang manatili sa pwesto.

“Eh kung ako ang tatanungin mo kasi, kung pwede sanang hindi na hindi ba?” sagot nito kasama ng malakas na tawa nung tanungin kung mapapalitan na siya ni Sotto bilang pangulo ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?