26
koko pimentel
By

Koko bumigay na sa Senate presidency

Sharing is caring!

Ipinahayag ni Senate President Koko Pimentel ang kahandaan na bitiwan ang puwesto para tuluyan nang ibigay kay Senate Majority Leader Tito Sotto.

Kasunod ito ng paglutang ng resolusyon ng 14 na senador kung saan isinasaad ang kagustuhan nilang ihalal si Sotto bilang pangulo ng Senado.

Iba ito sa kumpiyansa kahapon ni Pimentel na matapang pang nagdeklara na “nothing will happen on Monday.”

“Bukas po tayo sa kahit anong reorganization ng Senado. We are very open to that,” sabi ni Pimentel sa panayam ng Balitanghali ng GMA Network, Inc.

Idiniin na siya mismo ang nagpatawag ng pulong nilang lahat ng 17 senador mula sa majority bloc para maglinawan kung kailan babaguhin ang liderato ng Senado.

Hindi naman aniya ito kudeta o biglaan dahil tanggap nilang lahat na anumang sandali at anumang araw ay puwedeng magbago ang kanilang pamunuan.

“Sa umpisa pa naman alam na natin na anytime change can happen in the Senate. Dapat handa tayo na ibigay ang position o i-share ‘yung position at ‘yung experience na maging head eh sa iba naman. Dapat po ganyan ang kahandaan ng lahat ng officers ng Senado,” pahayag nito.

Hindi rin umano niya ipipilit na manatili sa puwesto dahil kailangan niyang maghanda para sa kaniyang muling kandidatura sa pagka-senador.

“Para po wala tayong unfair advantage na Senate President tayo habang kampanya, let go na natin ‘yan para patas-patas lahat,” sabi pa rin ni Pimentel.

Kailangan din umano niya ng panahon para makatulong sa pagpapaliwanag sa taumbayan ukol sa federalism.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?