37

Nov 26, 2017 @ 12:31
By

Koko: 2018 budget puwedeng maging reenacted

Amiando si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na may posibilidad na maging reenacted ang 2018 national budget kung kapusin ng panahon ang Senado sa pagpapasa nito.

“For a certain period of days pwede po yan theoretically. Halimbawa January 20 na maipasa o 25, di for 25 days reenacted tayo.

Pero hindi naman end of the world yan,” saad ni Pimentel sa panayam sa DWIZ.

Inamin din ni Pimentel na may posibilidad din na madismaya sa kanila si Pangulong Rodrigo Duterte kung ito ay mangyayari.

“Well, madidisappoint siguro sila pero ganyan po talaga ang demokrasya, give and take tayo,” saad ni Pimentel.

Nilinaw naman nito na sa 2018 National Budget at sa Tax Reform for Inclusion and Accelaration (TRAIN), mas magiging malawak ang debate ng mga senador.

“Talagang ang lawmaking talagang ganun. Hindi naman tayo magpapasa ng perfect law pero ang inaasahan namin it’s a law not against the common people. Hindi natin habol ang perfect na batas,” saad ni Pimentel. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?