14

Jun 14, 2020 @ 16:00

Koike pinawi takot ng mga atleta

Hindi kaila sa mga atleta, coach at official ang mga pangamba kapag natuloy ang 32nd Summer Olympic Games sa 2021 sa Tokyo, Japan.

Ito’y dahil sa mapanganib na Covid-19 pandemic, lalo at marami pang positibo sa nasabing bansa.

Kaya naman kinalma kahapon ng organizing committee sa pamamagitan ni Tokyo Governor Yuriko Koike ang mga kinauukulan, lalo na ang mga manlalarong pa-Land of the Rising Sun.

“We will make all-out efforts in the battle against the virus to put on a Games that is full of hope. (An event) that is safe and secure for athletes and fans from abroad as well as for residents of Tokyo and Japan,” ani Koike. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?