163
Koga kinarga ang Muntinlupa
Mar 20, 2019 @ 14:35
By ,

Koga kinarga ang Muntinlupa

Kumonekta ng tatlong krusyal na tres si Ryusei Koga sa payoff period para kargahin ang Muntinlupa Cagers sa 89-78 panalo kontra Zamboanga-Family’s Brand Sardines sa MPBL Datu Cup Martes ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Ang back-to-back threes ni Koga sa kalagitnaan ng fourth ang nagpaangat sa Cagers, 73-60, at ang huli nitong tres sa 3:39 ang tuluyang nagpalubog sa Zamboanga.

Lima sa tropa ang tumapos sa double digit sa pangunguna ni Koga na may 19 na puntos.

Nagpkitang-gilas muli si Allan Mangahas nang iposte nito ang kanynag all-time high 17 assists, ang pinakamaraming natalang assists sa liga.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Cagers para makausad sa semifinals ng Southern Division ng liga.

Bumandera naman para sa Zamboanga si Robin Rono na may 22 puntos sinundan ni Reed Juntilla na may 18 puntos at tig-11 puntos sina Harold Arboleda at Joseph Nalos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?