34
kobe

Kobe tuloy ang buhay sa basketball

Sharing is caring!

Nakasabit na ang dalawang jersey Nos. 8 at 24 sa rafters ng Staples Center katabi ng iba pang Los Angeles Lakers greats, pero hindi pa tapos ang pangalan ni Kobe Bryant sa mundo ng basketball.

Hindi na nga lang sa court rarampa ang five-time NBA champion, kundi sa sidelines na.

Sa halip na bola, mikropono na ang hahawakan ni Kobe.

Sa Television Critics Association Press Tour nitong Jan. 12, inihayag ng ESPN na nakipag-team up ang network sa Granity Studios ni Bryant para mabuo ang bagong show na Detail.

Si Bryant ang writer, producer at host ng basketball analysis show na magsisimula sa March 18 sa ESPN.

Ibabahagi ng isa sa hindi mapapasubaliang greatest players of all time ang pananaw niya sa laro.

Sa 20 taon sa NBA, napakahaba ng resume ni Kobe. Ilan dito ang pagiging dating NBA MVP, two-time NBA Finals MVP, 18-time All-Star, scoring champion.

Sa Detail, dadalhin ni Bryant ang viewers sa laro na parang kasama sila sa players. Bilang isa sa pinaka-astig na naglaro ng sport, ibabahagi ni Bryant ang kaalaman para magkaroon ng kakaibang pananaw sa laro ang athletes, players at coaches.

“Studying game film is how the best get better. It’s the university for a master’s degree in basketball,” lahad ni Bryant. “I learned how to study film from the best coaches of all time – Phil Jackson and Tex Winter. Detail provides an opportunity to teach that skill to the next generation on large platform with ESPN.”

Tatakbo ng 15 episodes ang Detail umpisa sa second half ng 2017-18 NBA season, matatapos sa The Finals. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?