93

Kobe, Thirdy nagpasaya sa Cebu

Sharing is caring!

Nakipagsabayan sa basketball sina Chooks-to-Go ambassadors Kobe Paras at Thirdy Ravena sa mga bata ng Sisters of Mary School Boystown sa Minganilla, Cebu.

Nakipagkampihan ang dalawa sa SMS-Boystown team na nanalo sa 2018 SBP U-16 3×3 Pambansang Tatluhan Cebu Regionals Sabado sa Manok ng Bayan-Samahang Basketbol ng Pilipinas 3×3 event.

Nagkaroon ng pagkakataon sina Michael Carin, CJ Gonzales, Emilio Badiana at Renzo Gantala na makalaro ang dalawang basketball prodigies sa pagsipa ng two-day event na ito.

“We couldn’t help but also join in the fun with these history-makers,” wika ni Paras.

“It was a treat to play with these kids and I’m happy to be with them in such a historic day like this,” dagdag ni Ravena.

Halos 1,300 ang lumahok sa 50 half courts sa loob ng Boystown compound na naglalayong bumasag sa record ng pinakamaraming manlalaro na sabayang naglaro ng 3×3 basketball.

Sa Linggo naman inaasahang 1,500 ang lalahok sa nasabing event sa Girlstown sa Talisay. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?