186

May 4, 2019 @ 15:29
By ,

Kobe, Ricci, UP sabak sa FilOil

Sa Linggo, Mayo 5, na magbubukas ang 13th season ng FilOil Flying V Preseason Cup na gaganapin sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Unang handog ng liga ang paghaharap ng University of Santo Tomas Growling Tigers at De La Salle University Archers alas-2 ng hapon habang kakaliskisan naman ng NCAA defending champs San Beda University Red Lions ang bagong bihis na University of the Philippines Fighting Maroons sa alas-4.

Maganda ang ipinapakita ng UST sa kasalukuyang PBA D-League tangan ang 5-1 win-loss record habang nasa rebuilding stage naman ang La Salle sa ilalim ng bagong coach.

Ibabandera ni Aldin Ayo sa UST sina Soulemane Chabi-yo, Brent Paraiso, Marvin Lee, Mark Nonoy, Renzo Subido, Zach Huang, Joshua Marcos, Dave Ando, Nat Cosejo, Ira Bataller, Sherwin Concepcion, Maloney Tarranza, Jade Talampas, Albert Bordeo, Renzel Yongco at Ian Herrera.

Habang ang La Salle naman sa ilalim ni coach Jermaine Byrd ay sasandalan sina Aljun Melencio, Andrei Caracut, Justine Baltazar, Brandon Bates, Encho Serrano, Gabe Capacio, Joaqui Manuel, Mark Dyke, Jollo Go at mga rookie na sina Miggy Cortez at Aaron Waban at foreigner na si Taane Samuel.

Mangunguna naman para sa San Beda ni coach Boyet Fernandez sina James Canlas, Clint Doliguez, AC Soberano, Donald Tankoua at Evan Nelle. Kasama rin ang ilang beterano na si Franz Abuda, Calvin Oftana, JB Bahio, Kemark Cariño, Damie Cuntapay at Eugene Toba at mga bagong dadag na sina Prince Etrata, Josh Tagala, Alex Visser, Marcus Ejercito, Miguel Ratuiste, Resty Fornis, Sean Garcia at Miguel Cruz.

Ito na ang unang pagsabak nina Kobe Paras, Ricci Rivero at Jayboy Gob para sa UP ni coach Bo Perasol kasama sina Juan Gomez De Liaño, Bright Akhuetie, Jun Manzo, JD Tungcab, Janjan Jaboneta, Javi Gomez De Liaño, Pio Longa, James Spencer, David Murrell, Noah Webb, Jerson Prado at Will Gozum.

May 16 na collegiate teams ang opisyal na kasali sa preseason league na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?