16

May 16, 2021 @ 15:30
By

Kobe pasok na sa Hall of Fame

Limang taon matapos magretiro at 16 na buwan matapos ang mapait na kamatayan ay pormal ng isang Hall of Famer si Kobe Bryant.

Ang kanyang maybahay na si Vanessa ang siyang nagsalita sa pulpito sa 2021 Basketball Hall of Fame Enshrinement Ceremony sa Mohegan Sun Arena nitong Mayo 15 (Mayo 16 sa Pilipinas).

Sa isang emosyonal na talumpati ay binigyang parangal ni Vanessa ang yumaong asawa, na isang 5x NBA champion at isang beses na naging league MVP.

“You did it. You are in the Hall of Fame now. You are a true champion, not just an MVP. You are an all-time great,” saad ni Vanessa.

“There will never be anyone like Kobe,” dagdag pa niya. “Kobe was one of a kind. He was special. He was humble — off the court — but bigger than life.”

May mensahe rin si Vanessa sa mga haters ni Kobe.

“After all, he proved you wrong,” pahayag niya.

Si Bryant ay 20 taon naglaro sa NBA at nasawi noong Enero 26, 2020 sa edad lamang na 41 matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter kung saan kasama niyang nasawi ang anak na si Gigi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?