3,533
kobe-paras

Kobe Paras, sasabak sa PBA?

Sharing is caring!

Binigyang-linaw na ni Kobe Paras ang dahilan kung bakit nagdesisyon siya na umuwi ng Pilipinas at maglaro na lang sa professional basketball.

Ito ay matapos umanong sipain bilang coach ng Cal State Northridge si Reggie Theus na siyang nag-recruit sa kanya.

Nang mangyari umano ito, kailangan na niyang magdesisyon sa kanyang sarili kaya malaki ang pasasalamat na kinuha siya sa national team.

Sa ngayon ay naghahanda na ang anak ni dating PBA player Benjie Paras para maging regular player ng Gilas Pilipinas at sa nalalapit na FilOil Tournament.

Makakasama ni Kobe sa FilOil league ang La Salle Greenhills teammate niyang si Ricci Rivero.

Kaya marami ngayon ang nagtatanong kung magpapa-draft na ba si Kobe sa PBA?

“PBA is a professional league, that’s all I’m gonna say. When I said I was going pro, again, there’s a lot of pro leagues out there,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?