29

Jun 23, 2022 @ 16:31
By

Kobe Paras may bagong tahanan sa B. League

Mananatili si Kobe Paras sa Japanese Basketball League, ngunit magiging parte na ito ng koponang Altiri Chiba.

Ang Altiri ay nasa Division 2 ng B. League.

“He is a player of exceptional physical ability and has extensive experience playing in the B1 level,” pahayag ni Altiri director Yoshihide Arai. “We are excited to see Altiri Chiba basketball evolve with his talent on this team.”

Sa nakaraang B. League season, si Paras ay naglaro para sa Niigata Albirex BB, kung saan nag-average siya ng 8.2 points, 2.1 rebounds at 1.2 assists sa 49 games.

“I’m grateful for the opportunity to be a part of Altiri Chiba,” wika naman ni Paras.

“I’m excited to go back and be a part of the team. I can’t wait to meet my teammates and see all the Altiri Chiba fans in the games this upcoming season,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?