217
views
kobe-paras2

Kobe Paras, maangas agad sa ensayo ng Gilas Cadets

Sharing is caring!

Sa kanyang unang practice kasama ang Gilas Pilipinas Cadets, Lunes ng gabi, ipinakita agad ni Kobe Paras ang talento at liksi niya kaya’t naging potensiyal na Division 1 player sa US NCAA.

Kahit maagang dumating ng Maynila mula sa United States kahapon, maangas pa rin ang inilaro ni Paras kasama ang iba pang miyembro ng “23 for 23″ pool.

Umaatake si Paras sa basket, umaangat para sa rebounds, at rumaragasa sa kabila na binabagabag pa siya ng jet lag.

Tinapos pa niya ang ensayo sa pagpukol ng buzzer-beating 3-points.

“I feel great,” ani Paras. “When I play, I try not to think about fatigue or anything. I try to just face it, so I was tired for a bit but I just fought through it.”

Nagdesisyon na umuwi na lang ng Pilipinas si Paras matapos umanong sipain bilang coach ng Cal State Northridge si Reggie Theus na siyang nag-recruit sa kanya.

Nang mangyari umano ito, kailangan na niyang magdesisyon sa kanyang sarili kaya malaki ang pasasalamat na kinuha siya sa national team.

Sa ngayon ay naghahanda na ang anak ni dating PBA player Benjie Paras para maging regular player ng Gilas Pilipinas at sa nalalapit na FilOil Tournament kung saan makakasama niya ang La Salle Greenhills teammate niyang si Ricci Rivero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?