100
kenneth
By

Kobe Paras inalat pero Gilas nakaalpas

Sharing is caring!

Tinapos na ng Gilas ang mahabang pagkatigang nang makahablot ng unang panalo sa bisa ng 72-63 pagpisak sa University of Perpetual Help Dalta-Altas, Miyerkoles sa Filoil Flying V Preseason Cup sa FilOil Flying V Centre-San Juan.

Ayaw padaig ng parehong koponan sa unang tatlong canto nang magbuhol 51-all bago pumasok sa huling quarter.

Tuluyan nang umalagwa ang tropa ni coach Josh Reyes sa 4th nang mag-init ang kamay ni FEU wingman Kenneth Tuffin na kumamada ng tatlong tres sa huling yugto para tumapos ng 17 puntos, limang pukol mula sa tres na sinamahan pa ng anim na rebounds.

Pinamalas naman ni Gilas guard Juan Gomez de Liano ang kanyang all-around game nang magrehistro ng 9 puntos, 9 assists at anim na rebounds. Maalat ang naging shooting ni Kobe Paras na nakapasok lamang ng isa sa pitong tira.

Nanguna naman para sa Altas sina Kim Aurin na nag-ambag ng 21 puntos at Prince Eze na kumubra ng 20 rebounds dagdag sa kanyang 10 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?