36

Feb 21, 2021 @ 20:03
By

Kobe Paras: Huwag niyong siraan si Kai!

Hindi palalampasin ni Kobe Paras ang sinumang nagpapatama kay Kai Sotto.

Sa tweet ng UP Fighting Maroon forward, sinabi nito na dapat ay maghintay na lang ng progreso ng NBA prospect at itigil na ang pangba-bash kay Sotto.

“Instead of talking bad about him and his handlers, why not wait for the final word?” lahad ni Paras.

Marami ang pumuna kay Sotto at mga humahawak sa career nito matapos na magtungo sa Pilipinas para sa nausog na 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Hindi rin nakapaglaro para sa Gilas si Sotto at bumalik na sa Amerika, ngunit may ilang duda tungkol sa NBA G-League stint ng binata.

Sa ilang report, hindi pa umano nakikipag-usap ang kampo ni Kai sa G-League ilang araw matapos makalapag sa Amerika.

Giit naman ni Paras, dapat ay suportahan na lang si Sotto lalo’t 18-anyos pa lamang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?