1,221

Nov 29, 2017 @ 8:58

Kobe Paras binakbakan ng netizens sa kanyang controversial tweet

Umingay na naman ang pangalan ni Kobe Paras, ang anak ni PBA great Benjie Paras.

Nitong Lunes, ang pagpili ng MVP sa UAAP at NCAA naman ang pinuna ni Kobe, naka-base sa US at naglalaro sa Cal State Northridge.

Ang napuna ng batang Paras, ang pagpili ng MVP sa collegiate leagues UAAP at NCAA.

Sa kanyang tweet (@_kokoparas), nag-congratulate muna si Kobe kay DLSU big man Ben Mbala bago nagpaliwanag.

“Ben deserves that MVP but there should be an MVP for local players and imports in the NCAA & UAAP… really unfair for the locals,” aniya, sinamahan ng link sa stats para sa individual awards ng UAAP Season 80 basketball.

Back-to-back MVP si Mbala, nasa Mythical Five din kasama sina Alvin Pasaol (UE), Thirdy Ravena (Ateneo), DLSU teammate Ricci Rivero, at Jjay Alejandro (NU).

Malamang ay maraming pumuna sa kanyang tweet, kaya agad nagpaliwanag si Kobe.

“If you guys really didn’t understand my last tweet then idk ewan ko na lang” na dinugtungan ng “for all those that did understand it then thank you but I didn’t mean to hurt anyone’s feelings. My bad.”

Wala pang isang oras, nag-tweet ulit siya, humihingi na ng paumanhin: “really feel bad with what I said so I apologize to you all I did not read my tweet well so my bad… Ben is my guy and congratulations to him for winning mvp he deserves it. Numbers don’t lie so check his stats. He’s a beast.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?