569

Feb 7, 2020 @ 19:24
By

Kobe nakarma raw kasi rapist: Principal sinuspinde ng paaralan

Sinuspinde ang isang principal matapos nitong sabihing “karma” kay NBA legend Kobe Bryant ang aksidente nito dahil sa pagiging rapist.

Ang komento ni Liza Sejkora, head principal ng Camas High School, sa isang Facebook post ay isang araw matapos ang hindi inaasahang pagkamatay ng “Mamba” sa helicopter crash kasama ang kanyang anak at pitong iba pa, ayon sa NBC.

Sa burado nang post sinabi ni Sejkora na: “Not gonna lie. Seems to me that karma caught up with a rapist today.”

Bunsod nito pinutakti si Sejkora ng protest comments online.

Humingi naman ng paumanhin ang principal sa kanyang nasabi.

“I want to apologize for suggesting that a person’s death is deserved,” ani Sejkora sa NBC. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?