8

Nov 14, 2020 @ 15:54
By

Kobe nahilera sa ‘Highest-Paid Dead Celebs’

Kahit tigok na si NBA legend Kobe Bryant ay angat pa rin ito sa pinakamayamang celebrity ngayong 2020.

Sokpa kasi sa rank 6 ng Forbes ‘Highest-Paid Dead Celebrities of 2020’ si former Los Angeles Lakers star matapos ang nalistang $20M kita o katumbas ng halos P1B bago ito mamatay.

Unang source ng kayamanan ni ‘Black Mamba’ ay ang kanyang endorsement sa Nike na umaabot sa $250 milyon taon-taon.

Isa rin sa nagpayaman sa basketbolista ang autobiography nitong ‘The Mamba Mentality: How I Play’ na bumenta ng mahigit sa 300k kopya noong 2019.

Sa ngayon ay nangunguna pa rin sa listahan ng Forbes si King of Pop Michael Jackson na may $48 milyon, sunod si Dr. Suess na may $33 mil, Charles Schulz, $32.5 mil; Arnold Palmer, $25 mil, at Elvis Presley na may $23 mil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?