495

Kobe kay Kai: Lumayas ka ng Pinas, mabubulok ka lang

Sharing is caring!

May payo si Kobe ­Paras kay Kai Sotto: ­Lumayas ka sa Pilipinas, mas maraming oportunidad sa US.

Nag-tweet ang anak ni PBA legend Benjie Paras, mabubulok lang daw ang talento ng prized Batang Gilas center kung pipiliin nitong manatili sa Manila.
Si Kai, anak ni ex-PBA player Earvin Sotto, ay 15-anyos pa lang pero 7-footer na.
“I was 15 years old when I moved out here in LA,” tweet ni Kobe (@_kokoparas).

Nag-high school si Kobe sa Los Angeles, napunta ng UCLA. Naka-isang taon siya sa Creighton, lumipat sa Cal State Northridge na nasa US NCAA Division 1.

Nasa pangalawang taon pa lang si Kai sa UAAP juniors, nangi­ngibabaw ang balikat – at talento – para sa Ateneo Blue Eaglets.

Dinomina ni Kai ang unang laro niya sa UAAP 80 juniors noong isang linggo, nagsumite ng 24 points, 12 rebounds at seven blocks sa loob ng 23 minutes.

“Hopefully one day Kai may make a mature decision to continue his basketball career here in the states so that he won’t get rotten and brained washed in Manila,” dagdag na tweet ni Kobe. “Endless opportunities available here for that young bull…”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?