64

Jun 4, 2021 @ 11:39
By

Kobe, Gigi ayaw patahimikin! Biyuda ni Kobe nabanas sa Nike

Binanatan ni Vanessa Bryant ang Nike matapos na mag-leak ang Kobe 6 Protro ‘Mamba Forever’ na sapatos.

Pinalagan ng biyuda ni Kobe ang Nike nang maisapubliko ang ‘Mambacita’ shoes, na tribute para kay Kobe at Gigi.

Ayon sa report ng Complex, nanggaling umano ang sapatos sa UK retailer na Footpatrol, kung saan binigay umano sa mga raffle winner ang ‘Mamba Forever’ shoes.

“This is a shoe I worked on in honor of my daughter, Gianna. It was going to be called the MAMBACITA shoe as an exclusive black and white colorway on her daddy’s shoes,” saad ni Vanessa sa Instagram post.

Ayon pa sa biyuda ni Kobe, hindi niya inaprubahan ang pagbebenta ng naturang sapatos dahil balak niyang ibigay sa Mamba & Mambacita Sports Foundation ang lahat ng kikitain ng nasabing sapatos.

Matatandaan na pinutol na ni Vanessa ang shoe deal ni Kobe sa Nike nitong 2021.

“Nike has NOT sent any of these pairs to me and my girls… I hope these shoes did not get sold.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?