190

By

Kobe Bryant nagsayaw ng Tinikling sa ‘Pinas

Tiyak umanong mami-miss ng mga Pilipino si Kobe Bryant.

Nang bumisita si Kobe sa Pilipinas ay 19-anyos pa lang ito at suot ang Barong Tagalog ay nagpaunlak ito ng pagsasayaw ng traditional Filipino dance na “Tinikling”.

“Kobe Bryant, performing a traditional Filipino dance (Tinikling) back in the late 90s in the Philippines. He’s always been a man of the people. Locks in the Mamba Mentality,” sabi ni @Shottyupnext kalakip ang video ng pagti-Tinikling ng “Black Mamba”.

“Kobe Bryant—his grace, athleticism, and openness to cultures—captured in this #tinikling dance in Manila. RIP Kobe and Gigi,” wika naman ni @CristinaAmpil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?