8

Sep 30, 2020 @ 23:54

Kobe Bryant Law aprub sa California

Pinirmahan ni California Gov. Gavin Newsom ang Kobe Bryant Law kung saan ipagbabawal na ang pagkuha ng mga larawan ng mga namatay sa aksidente.

Kamakailan lang nagsampa ng kaso ang biyuda ni National Basketball Association (NBA) legend at Los Angeles Lakers great Kobe Bryant na si Vanessa dahil sa paggamit ng larawan ng mister niya nang walang pahintulot.

Ang mga litrato ay kuha sa plane crash noong Enero 26 kung saan nasawi ang basketbolista, anak na si Gianna at pitong iba pa.

Maituturing na isang krimen na ang basta pagkuha ng larawan ng mga first responder sa accident scene, lalo pa kung ito’y gagamitin lang para sa pansariling interes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?