956

By

Kobe Bryant ginustong ‘mamatay nang maaga’ – McGrady

Inalala ni NBA Hall of Famer Tracy McGrady ang makaulit na pahayag ng kaibigan niyang si Kobe Bryant na hangad nitong “mamatay nang maaga.”

“This sounds crazy, but Kobe spoke this, he spoke this. He used to say all the time, ‘I want to die young’,” lantad ng 40-anyos na shooting guard sa “The Jump” ng ESPN nitong Lunes sa Amerika, Enero 27.

“(Sabi pa ni Kobe), ‘I want to be immortalized and, you know, have my career be better than Michael Jordan and I want to die young’,” wika pa ni McGrady habang nagpupunas ng luha sa mukha.

Nagulat at sobrang nalungkot si T-Mac nang mabalitaang namatay na si Black Mamba.

Linggo ng umaga sa Amerika pumanaw si Kobe, 41, kasama ang kanyang anak na si GiGi, 13, at pitong iba pa sa helicopter crash sa Calabasas, California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?