135

Dec 16, 2019 @ 17:10
By

KO victory target ni Canoy

Tiwala sa mga hurado si Pinoy boxer Joey Canoy sa kanyang laban kontra former minimumweight world champion Nkosinathi Joyi.

Pero mas gusto niya sigurado, balak niyang i-KO ang karibal sa kanilang upakan sa ICC Hotel, East London South Africa.

“I had no problem making weight. I know I’m fighting on enemy’s turf so I cannot let this end at the judges’ hands. I believe in the integrity of the judges but a win will be easier if I go for the knockout,” wika ng Mandaue City, Cebu bet na si Canoy.

“This is a make or break fight for me. I will give it my everything. I am determined to bring home that belt and settle for bigger fights next year.”

Tumimbang ng 103.5 pounds si Canoy (15-3-1, 8KOs) sa isinagawang official weigh-in kahapon habang ang kalabang si Joyi (28-5-1, 19KOs) ay may bigat na 104.5 libra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?