158
pacman2
By

KO punch ni Pacquiao matagal nang lusaw?

Sharing is caring!

Sinimulan na ni Manny Pacquiao ang 10-week training para sa July 15 bout kontra WBA welterweight champion Lucas Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon dito, bibigyang-pansin nila ang bilis at lakas dahil delikadong kalaban ang sinasabing knockout artist na si Matthysse, nakapagpatumba ng 36 karibal sa kanyang 39 career wins. “Focus natin ‘yung speed, ‘yung lakas natin,” ani Pacquiao.

Pero sa pag-aanalisa ng ilang eksperto, nawala na umano ang knockout power ni Pacquiao, 39, dahil sa tagal na nito sa propesyon.

“Since moving up from lightweight to welterweight, Manny Pacquiao has shown that, though he still has phenomenal power, he no longer possesses his knockout power,” base sa pag-aanalisa ng boxing site na sportsworld360.com.

Paliwanag pa ng artikulo sa nasabing boxing website, kapansin-pansin na isang beses na lamang nakaiskor ng knockout si Pacquiao sa 14 na laban sa 147-pound weight classification.

“Of the 14 fights Pacman has seen in the welterweight division, he has only earned one technical knockout (TKO) victory against the legendary Puerto Rican, Miguel Cotto,” ayon pa sa artikulo.

Ang bagong head trainer ni Pacquiao na si Restituto ‘Buboy’ Fernandez, iginiit na kalabaw lang ang tumatanda at malakas pa ang kanyang alaga kaya nangakong gagawin ang lahat upang bumalik ang dating bangis ni Pacquiao sa ibabaw ng ruwedang parisukat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?