80

Oct 20, 2017 @ 21:20

Knights gapang sa next round

Iniligtas ng putback ni rising star Jeo Ambohot ang Letran 70-68 kontra Arellano U kahapon sa first knockout game para sa No. 4 spot ng 93rd NCAA basketball sa FilOil Flying V Centre.

Nahirapan nang todo ang Knights sa mainit na shooting ng Chiefs sa pangunguna nina Levi Dela Cruz at Rence Alcoriza.

Markado sa endgame si Letran star Rey Nambatac na hindi makakuha ng disenteng tira. Suwerteng nahablot ni 6-foot-6 second year center Ambohot ang bola at saka ibinalik sa basket para itulak ang Knights sa unahan 69-68 3.3 seconds na lang.

Nagkaroon ng turnover ang Chiefs nang tumama sa gilid ng board ang inbounds pass ni Dela Cruz na alley-oop sana kay Lervin Flores. Split ang free throws ni JP Calvo para sa final tally.

Sa Martes sa MOA Arena, may date ang Knights at San Sebastian College sa one-game knockout para sa huling tiket sa stepladder semis.

“Gaya ng sinabi ko, kailangan talaga naming maglaro ng A-game against Arellano. Mabuti nagawa namin ang mga kailangang gawin,” ani Letran coach Jeff Napa.

Ang mananalo sa laglagan ng Stags at Knights ay hihintayin ng No. 3 JRU sa semis. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?