99

Jan 30, 2020 @ 18:50
By

Knicks nabastusan! Crowder, Payton nagbanatan sa court

Patapos na ang laro sa pagitan ng New York Knicks at Memphis Grizzlies, ngunit may pahabol pang aksyon sa pagitan ng dalawang manlalaro.

Sa huling isang minuto ng laban, lamang ang Grizzlies, 127-106, tumira si Crowder ng three pointer ngunit hindi ito nagustuhan ni Elfrid Payton dahil sigurado na ang resulta ng laro.

Nang bitawan ang tres ay sinapak ni Payton si Crowder, dahilan para gumanti ang huli.

Sa Twitter ay sumagot si Crowder sa isang NBA ESPN analyst na si Timothy Legler na pinuna ang Grizzlies forward dahil sa pagtira kahit panalo na ang kanyang koponan.

Sumegunda naman si rookie Ja Morant at sinuportahan ang kakamping si Crowder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?