10
jeff-hornacek1
By

Knicks hanap-kapalit ni Hornacek

Sharing is caring!

Pagkatapos ng dalawang seasons, sinibak ng New York Knicks si head coach Jeff Hornacek.

Maganda ang umpisa ng pangalawang taon ni Hornacek sa Knicks pero bumulusok nang abutin ng season-ending knee injury ang pambato niyang si Kristaps Porzingis noong February.

Bago nawala si Porzingis, apat na laro lang ang New York sa likod ng eighth placer sa Eastern Conference. Nang mawala, napag-iwanan ang Knicks.

Sa kalagitnaan ng December ay 17-14 pa ang Knicks, pero inalat sa 12-38 sa final 50 games. Sa dalawang taon ni Hornacek, 60-104 ang New York.

Pagkatapos kumpirmahin ng New York sa isang statement ang pag-exit ni Hornacek nitong Huwebes, nagsimula nang maghanap ng kapalit ang Knicks.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, ilang sa ikinukonsidera sina dating Memphis coach David Fizdale, ex-Cleveland coach David Blatt, former Golden State coach Mark Jackson, at dating player Jerry Stackhouse. Sa ulat naman ni Frank Isola ng The New York Daily News, balak din daw kausapin ng Knicks si Villanova head coach Jay Wright, kandidato rin si Jeff Van Gundy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?