14

By

KMP kayang mag-supply ng pagkain nationwide

Sharing is caring!

Ipinahayag ni dating Agriculture at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano na kayang suplayan ng pagkain ng mga lokal na magsasaka at agri producer ang bawat pamilya sa buong bansa.

Ayon kay Mariano, ang kailangan lamang nila ay ang suporta ng gobyerno at atasan ang pamunuan ng National Food Authority (NFA) Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensiya na may kinalaman sa agrikultura na sa halip na umasa sa importasyon, ay alamin ang solusyon kung paano mareresolba ang mga pangangailangan ng mga local producer.

“The NFA and the DA are going frenzy in importing millions of sacks of rice when our farmers can produce our local consumption and food needs. Farmers need support services, production subsidies and rural infrastructure to bridge farms to markets,” giit ni Mariano.

Binatikos din niya ang pag-aangkat ng NFA ng bigas na may bukbok, at posibleng ang mga nakaimbak na binukbok na bigas mula sa mga bansang Thailand, Vietnam at iba pang bansa ang binilhan.

Aniya, sana noong nasa vessel pa lang ang mga inangkat na bigas at nalaman na may bukbok ay hindi na ito kinuha pa ng NFA.

“Batay sa kontrata, kapag wala pa sa warehouse ang mga inangkat na bigas, pwedeng hindi kunin, pero bakit binili pa nila? Matagal nang bugbog sarado ang lokal na agrikultura, mga magsasaka at prodyuser dahil sa pagbaha ng mga impoted na produkto. Huwag i-asa ang sikmura natin sa mga banyaga,” anang KMP

Iginiit din nito na kaya nagkaroon ng kakulangan sa bigas ang NFA ay ipinambayad umano ng ahensiya sa utang ang P5 bilyong ‘rice subsidy’ na pambili sa ‘buffer stocks’.

Sa halip umano na gamitin ng ahensiya ang P5.1 bilyong pondo para sa pagbili ng palay sa lokal na mga magsasaka at pag-aangkat ng bigas, ibinayad ng NFA ang halagang P1.046 bilyon sa para pagkakautang sa Land Bank of the Philippines at P1.044 bilyon naman sa Development Bank of the Philippines.

Binigyang-diin ng mga magsasaka ng AMIHAN, National Federation of Peasant Women, fisher folks ng PAMALAKAYA Pilipinas, at stakeholders ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ipagpapatuloy nila ang pagtutol sa importasyon ng bigas, isda, Livestock, poultry at iba pang agricultural product.

Sa September 10 ay nakatakdang magsagawa ng ‘protest caravans’ sa National Capital Region na may temang Lakbayan ng Magsasaka upang hilingin sa pamahalaan ang pagkakaroon ng ‘genuine land reform’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?