9

Jan 12, 2021 @ 14:36
By

KMP chairman Mariano: 33 magsasaka pinaslang sa lockdown

Nilantad ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano ang bilang ng mga nasawing magsasaka buhat nang magsimula ang lockdown noong 2020.

Ito’y reaksyon ni Mariano sa police brutality sa bansa, binigay na halimbawa ang pamamaslang sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

“Ang bilang ng KMP, 33 magsasaka yung napaslang sa panahon lang ng lockdown kaugnay diyan sa pandemya natin kasi nga militarized ‘yung approach,” ayon kay Mariano, na nagsilbi din bilang representative ngsa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live.

Sa usapin naman ng death penalty, sinabi nito na hindi napapanahon ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa dahil sa tagilid na justice system sa bansa.

“Hindi po deterrent ang death penalty para lutasin ang malalaking krimen sa ating bansa,” lahad ni Mariano.

“Alam naman po natin na ang criminal justice system sa ating bansa ay kiling sa maimpluwensya, kiling sa mapera, may kapangyarihan,” paliwanag pa niya. “Talagang dehadong-dehado ang mga mahihirap, maliliit na mamamayan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?