11

Jan 11, 2021 @ 21:39
By

Kleber sapul ng COVID

Sinara ang Dallas Mavericks practice facility nitong Lunes (Manila time) nang mapag-alamanan na nagpositibo sa coronavirus disease si power forward Maxi Kleber.

Ayon sa ulat ng ESPN, sumasailalim na sa contact tracing ang mga team upang malaman kung may iba pang manlalaro o staff na kailangan pumasok sa NBA’s health and safety protocols.

Iniulat naman ng The Athletic na sumailalim na sa mahigpit na health and safety protocols ng liga ang 6-foot-10 Germam.

Una nang kusang nagpa-quarantine sina Mavericks cagers Jalen Brunson, Dorian Finney-Smith at Josh Richardson na mga nagpositibo rin sa pandemya ang isa sa mga ito nitong Sabado.

Makakaharap ng Mavs sa Martes (Manila time) ang New Orleans Pelicans sa alas-9:30 nang umaga. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?