87

Oct 8, 2021 @ 14:23
By

Klea Pineda nilamon ng hiya dahil sa bodyshamers

Maging si Klea Pineda ay hindi nakaligtas sa mga negative coment ng bodyshamers.

Aniya, lubos siyang naaapektuhan tuwing makakabasa ng panlalait ng mga netizen sa kanyang katawan.

“Ang hirap sa totoo lang na makabasa ng ganun,” wika niya.

“Humahanap sila ng butas para hilahin pababa ‘yung kapwa babae nila or kapwa tao nila. Bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa isa’t isa?”

“Nitong mga nakaraang months, nawala ‘yung parang self-esteem, self-confidence, nawala ‘yun, nawala ‘yun sa akin,” pagpapatuloy niya.

Ayon sa ulat ng GMA News, nagbalik na sa pagwo-workout ang aktres para sa kanyang health. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?