539
klea-pineda
Jan 10, 2018 @ 17:05
By

Klea Pineda napilitang ‘magpaseksi’ sa Saipan

Nakatulong kay Klea Pineda ang pagsali nito sa 11th Asian Supermodel Contest sa Saipan noong December 10, 2017 dahil nadagdagan ang self-confidence niya na napansin ng mga dumalo sa presscon ng ‘Sirkus’, ang weekly telefantasya ng GMA 7 na mapapanood tuwing Linggo simula sa January 21.

Sinabi ni Klea na naging training ground niya ang Asian Supermodel contest para sa mga beauty contest na kanyang sasalihan.

“Nag-up ang confidence ko nu’ng pumunta ako doon. First time ko nag-bikini doon na may photo shoot, sa harap ng maraming tao, nag-ramp ako. Scared ako,” ang kuwento ni Klea na kinumpirma ang plano na pagsali sa Bb. Pilipinas kaya gusto niya na umpisahan na ang training.

Kailangan din ni Klea na magpapayat at dalasan ang pagpunta sa gym para malusaw ang baby fats sa katawan niya.

Hindi pinalad si Klea na manalo sa 11th Asian Supermodel Contest pero siya ang nag-uwi ng Best On-screen award na katumbas ng Miss Photogenic special award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?