17

By

Klea Pineda kakasuhan ang ‘nakabanggaang’ driver

Sharing is caring!

Nasangkot sa isang aksidente sa kalsada ang Starstruck 6 winner na si Klea Pineda.

Miyerkoles ng gabi, Setyembre 5, nang mabangga ang sasakyan ni Klea sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa Quezon City.

Pauwi na ang Kapuso actress at nang mag-U-turn daw ang sasakyan nito sa Mindanao Avenue patungong Tandang Sora, bigla raw naramdaman ni Klea na may tumama sa sasakyan niya.

Nang tingnan daw ni Klea ang binanggang parte ng sasakyan niya, sinigawan pa raw siya ng driver na nakabangga sa kanya. Mabilis naman daw na nasaklolohan si Klea at napag-alamang walang driver’s license ang taong nakabangga ng sasakyan ng aktres.

Sasampahan ng kaso ang naturang driver na malakas pa ang loob na magalit kahit na siya ang nagsimula ng aksidente.

Maayos naman daw ang lagay ni Klea at poise na poise pa rin daw ito sa nangyari.

Kung nasa pageant siya, ang tawag dito ay grace under pressure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: