30

Dec 21, 2017 @ 19:51

Klay Thompson nag-init sa ika-10 sunod na panalo ng Warriors

Kung sa mga nakaraang laban ay bumida si Kevin Durant, sa pagkakataong ito ay lumagare si Klay Thompson para itarak ang ika-10 panalo ng Golden State Warriors laban sa Memphis Grizzlies, 97-84, nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time).

Tinira ni Thompson ang 27 sa 29 points niya sa first half para pangunahan ang kulang pa rin sa tao na Warriors.

May ayuda namang 22 points, walong rebounds at dalawang blocked shots si Kevin Durant.

Hindi nagmintis sa 3-point arc si Thompson hanggang sa 6:10 na natitira bago mag-halftime.

Bunga nito’y napa-tweet tuloy si two-time MVP Stephen Curry, “Somebody is having a great game!”

Bumida naman sa Grizzlies si Marc Gasol sa 21 points, siyam na rebounds at limang assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?