1,302
Klay Thompson Lakers
Jan 29, 2019 @ 19:04

Klay Thompson interesado sa Lakers?

Kung makukuha ng Los Angeles Lakers si Pelicans superstar Anthony Davis, maaari itong maging susi para makuha ng Lakers si Golden State Warriors sharpshooter Klay Thompson.

Ayon kay sports columnist, reporter Adrian Wojnarowski o mas kilala sa tawag na Woj, magiging interesado sa Lakers si Thompson na maglaro kung hindi ito papipirmahin ng Warriors ng max contract pagtapos ng season lalo na’t free agent ito.

Matapos ibalita ni Woj na sinabi ng agent ni Davis na si Rich Paul, na kapareho ng agent ni LeBron James, na ayaw mag-extend ni Davis sa Pelicans at gusto nitong ma-trade. Lalong mapapalakas ang tsansa na gustuhin ni Thompson mapunta sa Lakers kung mapupunta rito si Davis.

Isa pang sinasabing dahilan nang pagkagusto ni Thompson maglaro sa Lakers ay dahil ang kanyang ama na si Mychal Thompson ay naglaro sa franchise na ito.

Ngunit ayon kay Mychal Thompson noong Agosto 2018, ang kanyang anak ay magreretiro suot ang Warriors’ uniform. (AV)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?