114

Jul 31, 2021 @ 11:37
By

Klay Thompson dinalaw si Pacquiao

Dumarami ang mga superstar na sumusuporta kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Kamakailan nang bisitahin ang Pinoy boxing icon nina Australian social media celebrity “Supercar Blondie”, NBA Sixth Man of the Year Jordan Clarkson, Black Eyed Peas member Apl.de.Ap at singer J. Rey Soul.

Ngayon naman ay pinuntahan si Pacquiao ni Golden State Warriors shooting guard Klay Thompson sa Wild Card Gym.

Nakasuot pa si Thompson ng hoodie na may imahe ni Pacman at may nakasulat na “Greatest of All Time Manny Pacquiao”.

Masayang nakipag-pose si Thompson kasama sina Pacquiao, coach Freddie Roach at iba pang nasa gym.

“Nice to have Klay Thompson at Wild Card Gym today! I told Klay I would teach him how to fight if he’ll teach me how to shoot,” sey ni Pacquiao sa Facebook post ngayong Sabado.

Sa August 21 (Aug. 22 sa PH) maghaharap sina Pacquiao at Errol Spence Jr. para sa World Boxing Council at International Boxing Federation crowns sa T-Mobile Arena, Las Vegas, Nevada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?