118

Feb 22, 2020 @ 10:51
By

Klay bomalabs nang makabalik sa Golden State

Kumpirmado na, hindi na maglalaro si Klay Thompson sa natitira pang salang ng Golden State sa season.

Binasag ni Marc Stein ng The York Times ang balita kahapon.

“The Warriors have this week made it official and fully ruled out Klay Thompson (left knee) for the remainder of the season, league sources say,” tweet ni Stein.

Inabot ng torn left ACL si Thompson noong June sa NBA Finals, inasahan ng Warriors na makakalaro siya sa dulo ng regular season.

Nawala si Thompson at nabalian ng kaliwang braso ang Splash Brother niyang si Stephen Curry sa pang-apat na laro lang ng Golden State, natisod ang Warriors at hindi na nakaahon mula sa kailaliman ng standings.

Babalik mula All-Star break ang Warriors hawak ang NBA worst record na 12-43.

Mukhang makakapaglaro pa si Curry bago matapos ang regular season pero hindi na rin makakahabol sa playoffs ang Golden State. Sa kasalukuyan ay 16.5 games sa labas ng postseason spot ang defending Western Conference champions.

Sa natitira pang mga laro sa season, tatasahan ni coach Steve Kerr ang kumbinasyon nina Curry, Draymond Green at bagong saltang si Andrew Wiggins.

Si Wiggins ang kapalit ni D’Angelo Russell na ipinadala ng Warriors sa Minnesota Timberwolves.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?