21

By

Klaudia Koronel story swak sa MMK

Sharing is caring!

Na-amaze kami sa kwento ni Klaudia Koronel hinggil sa nawawala niyang kapatid.

Bungad niya, “Nami-miss ko si direk Maryo J. delos Reyes. May koneksyon kasi siya sa buhay namin ng pamilya ko.”

Ayon kay Klaudia, mula raw ng magkatrabaho sila ni direk Maryo J. ay ang gaan daw agad ng loob niya sa namayapa ng director.

“Saka ang bait-bait ni direk. One time nagkakwentuhan kami. Nabanggit niya na may adopted child siyang pinag-aaral, sinabi niya ang name. Nagulat ako kasi ‘yun ang pangalan ng kapatid ko na pina-adopt ng nanay ko du’n sa pinaglalabadahan niya dati.

“Kinuwento ko sa nanay ko. Nagulat din siya, pero sabi ng mother ko sa kapatid daw ni direk Maryo J. niya iniwan ang sister ko na 15 years old noon.

“Sinabi ko kay direk. Maging si direk Maryo ay nagulat, pero natuwa siya. Kaya raw napunta sa kanya ang kapatid dahil pumunta na raw sa abroad ang brother niya. Sa kanya iniwan ang sister ko,” lahad ni Klaudia.

Si direk Maryo J. na rin daw ang nagpaliwanag sa sister niya ng lahat ng buong katotohahan sa pagkatao ng kapatid niya (Klaudia).

Magmula raw noon ay nakasama na nila ang nakababatang kapatid, pero, ayon sa sexy actress, nagdaramdam daw ang kanyang sister.

Hanggang ngayon kapag nagse-senti ang sister niya ay sinusumbat sa kanilang ina ang pagpapaampon sa kanya. Hindi sinisisi ni Klaudia ang ina dahil naiintindihan niya kung bakit.

“Pinupunan ko na lang kung ano ang mga naging pagkukulang ng magulang namin sa kanya,” ani Klaudia.

Nu’ng nabalitaan daw niyang sumakalibang-buhay na ang butihing direktor gustuhin man daw niya ang umuwi ng Pilipinas para makiramay ay ‘di niya magawa. May mga problema pa raw kasi siyang inaayos. Pero taimtim daw niyang pinagdasal ang mabait na director.

Sabi namin sa kanya pwedeng i-feature sa ‘Maalala Mo Kaya’ ang kwento ng kanyang buhay.

Aside kasi sa sister niyang pinaampon ay may kwento rin ang buhay may-asawa ni Klaudia. Mga pinagdaanan niyang hirap nang nag-iisa na siyang namumuhay sa Amerika, pati na ang kanyang pag-aartista.

Tanong ni Klaudia: “Talaga, pwede siyang pang-MMK?”

If ever na i-feature sa MMK ang kanyang buhay, gusto raw niyang gumanap na aktres ay si Julia Montes o ‘di kaya si Angel Locsin.

“Pareho ko silang gusto pero parang ang bagay sa akin si Angel Locsin, kasi magaling, matapang, sexy. Noon sexy ako, e,” nakangiting sambit ng sexy actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?