144

By

Klaudia Koronel proud sa pagiging Vilmanian

Sharing is caring!

Kahit nakabase na sa Amerika si Klaudia Koronel ay nakikibalita pa rin siya sa mga kaganapan sa showbiz.

Nasa bansa ngayon para magbakasyon ang dating Seiko star na bago nag-quit sa showbiz ay isang Regal contract star din. Ilang taon nang naninirahan si Klaudia sa Amerika at aminadong bukod sa anak niya, nami-miss niya ang showbiz.

Kabilang sa mga TV shows sa ‘Pinas na napapanood niya sa US ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at ‘Bagani’.

“Lagi ko namang sinisilip ang showbiz kahit malayo ako, parang reminiscing the past.

“Sa mga young stars dito sa Pilipinas, gandang-ganda ako sa mukha ni Liza Sobrano, God I love her! Napapanood ko siya sa Bagani, eh.

‘Tsaka yung partner ni Coco Martin sa Ang Probinsyano, si Yassi Pressman. Gusto ko rin ‘yong Julia Montes, magaling ding bata ‘yon,” wika ni Klaudia.

Pero ang pinaka-idol daw niya sa showbiz ay si Vilma Santos.

Pag-amin ni Klaudia, “Yes, isa akong Vilmanian. Bata pa lang ako si Vilma na ang idol ko. Gusto ko kasi the way she acts, na iyong habang nagda-dialogue siya o ginagawa niya yung eksena, magalaw siya. Iyong talagang kumikilos habang nagda-dialogue? Gusto ko yong ganoong ng klase ng acting, eh.

“Mahirap iyon eh, iyong mag-memorize ka pa lang ng linya mo, mahirap na eh. Paano pa kung habang nagda-dialogue ka, may iba ka pang ginagawa or naglalakad ka? Tapos mahaba pa ang lines mo?

“Halimbawa, iyong nagluluto ka, habang may eskena kayo at mahaba yung linya mo, mahirap iyon, eh. Mahirap mag-memorize habang may activity eh…

“Si Ate Guy iba naman, iyong sa kanya sa mata pa lang niya, alam mo na agad ang emosyon na ipinapakita niya.”

Anong movie ni Ate Vi ang pinakagusto niya?

“Marami na akong napanood na movie niya, marami eh, like Bata Bata Paano ka Ginawa, The Healing, Gaano Kadalas Ang Minsan?, Pahiram ng Isang Umaga, Sinungaling Mong Puso…

“Pero pinakagusto ko ay yung Anak, iyong movie nila ni Claudine Barretto. Kasi siguro parang nakaka-relate rin ako dahil nanay din ako eh, at isang OFW siya roon sa movie’ng yun.

“Eh ako, naranasan ko rin ang magtrabaho sa ibang bansa. Sa Amerika nga, di ba? Iba’t ibang experience ang di ko malilimutan doon, lalo na noong nagsisimula pa lang ako. Siyempre, iba sa Pilipinas at iba sa Amerika.

“Sa Amerika, naranasan kong mag-mop ng floor, magtapon ng basura kahit mabigat, maghugas ng pinggan. Eh dito sa atin, noong nag-artista na ako, nasanay na ako na may alalay, ganoon.

“Although noong bata pa ako, hindi ko naman idini-deny na talagang lumaki rin ako sa hirap,” mahabang saad pa ni Klaudia.

Sa ngayon, game naman daw siyang sumabak ulit sa pag-arte tulad ng sa Maalaala mo Kaya at Magpakailanman. Gusto niya rin mag-guest sa Bubble Gang kung may chance siya, dahil dating semi-regular sa sitcom ni Bitoy si Klaudia.

Pagdating ng October 5 ay babalik na ulit si Klaudia sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?