406

By

Klaudia Koronel, Leandro Baldemor muling nagsama sa MARS

Sharing is caring!

Nag-reunion kamakailan ang dating Seiko Films stars na sina Klaudia Koronel at Leandro Baldemor.

Naganap ito nang mag-guest ang dalawa sa TV show na MARS, hosted by Suzi Entrata at Camille Prats.

Ayon kay Klaudia, sobra siyang nag-enjoy sa MARS, lalo’t nagkaroon sila ng chance ni Leandro na muling magkatsikahan.

“Ang dami naming kuwentuhan ni Leandro, sobrang dami. Iyong about sa nakaraan, yung hirap namin sa Seiko Films noong nagsisimula pa lang kami, yung masasayang moments namin sa shooting…

“Kuwentuhan kami ng mga dating nakasama, ‘yung mga lumaki ang ulo, ‘yung mababait, ‘yung nagbago ang ugali at ‘yung mabait pa rin,” ani Klaudia.

Dagdag pa ni Klaudia, “Kamustahan lang sa mga kasama namin dati, kung ano na ang naging buhay nila. Pinagusapan namin si Boss Robbie Tan, kung ano na ang buhay niya ngayon…

“Siyempre, excited din akong makita ulit si Leandro… ang pinakanakakatuwang moment doon, tinawagan namin si Anton Bernardo, pinahulaan ko sa phone kung sino ako, kamustahan din kami, salesman pala siya ngayon ng kotse.

Sinabi rin niya na si Leandro ang pinakaka-vibes niyang leading man noon.

“Bale ito, nangyari bago iyong taping ha…

“Kulitan lang kami, ang saya, mas lalong makulit ngayon si Anton, eh. Si Leandro very formal naman lagi iyon eh. Mabait siya at ‘yun ang pinakakasundo kong leading man noon, eh.

“Sabi ko nga kay Leandro, siya yung pinaka-gentleman at pinakamabangong leading man ko, eh,” nakatawang saad pa ni Klaudia

Ang Mars episode na guest sina Klaudia at Leandro ay mapapanood sa September 26, 7:10 pm sa GMA News TV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?