63

Dec 3, 2017 @ 21:59

Klase suspendido pa rin sa Albay

Suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Albay dahil sa nakatakdang tigil-pasada sa Lunes, ayon kay Governor Al Francis Bichara.

Sa Facebook ng gobernador, sinabi nitong itutuloy pa rin ang transport strike sa kanilang lalawigan batay sa pahayag ni Ramon Excovilla, ang lider ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa Albay.

Ito ay sa kabila nang nauna pahayag ng PISTON National Capital Region na ikakansela nila sa Lunes at Martes ang kanilang kilos protesta.
“Cancellation of the strike is only true in Metro Manila,” sabi ng Albay governor.

Bukod sa Albay, wala ding pasok sa Camarines at sa bayan ng Guagua sa Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?