142
abby-binay-001
Oct 13, 2017 @ 17:51

Klase sa public schools sa Makati sa Lunes, sinupinde na

Sinuspinde na ni Makati Mayor Abby Binay ang mga klase sa mga pampublikong paaralan sa lungsod sa darating na Lunes dahil sa ikakasang transport strike.

Ayon kay Binay, lahat ng mga grupo ng mga jeepney drivers sa lungsod ay nagpasabi na ng kanilang paglahok sa tigil pasada makakabuti na suspindihin na ang mga klase.

Sinabi nito na bahala na ang pamunuan ng mga pribadong paaralan sa lungsod kung magdedeklara din sila ng classes suspension.

Nagbilin naman si Binay sa mga estudyante na kung wala rin naman mahalagang lakad ay huwag na rin umalis ng bahay.

Aniya makakabuti kung mag aaral na lang ang mga ito sa kanilang bahay. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?