96

Jan 14, 2022 @ 13:14
By

Klase sa mga paaralan sa Antipolo sinuspende mula Enero 17 hanggang 29

Pansamantalang sinuspende ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang mga klase sa paaralan simula Enero 17 hanggang 29.

Ito ay upang mabigyan ng oras magpagaling ang mga guro, estudyante, at ilang school personnel sa sakit.

Kasama na dito ang physical at virtual na klase sa pampubliko at pribadong eskwelahan.

Samantala, magpapatuloy pa rin ang semestral break na naka-iskedyul mula Enero 31 hanggang Pebrero 5. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?