28

Jan 14, 2022 @ 17:17
By

Klase sa Metro Manila, Calabarzon sinuspinde ng DepEd

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang suspensiyon ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila at Calabarzon sa gitna ng pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Sa isang memorandum na inilabas, suspendido ang mga klase sa Metro Manila at Calabarzon mula Enero 15 hanggang Enero 22 upang “pagaanin ang pasanin sa kalusugan” —pisikal at mental — ng mga tauhan at mag-aaral sanhi ng pagtaas ng coronavirus infections.

Magpapatuloy ang klase sa Enero 24 sa pamamagitan ng “purely asynchronous distance learning modalities”, dagdag ng DepEd-NCR.

Samantala, mula naman Enero 17 hanggang Enero 29 ang suspensiyon ng klase sa Calabarzon.

Nakatakda pa rin ang midyear break mula Enero 31 hanggang Pebrero 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?