Nag-anunsyo na ang Manila City government ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa public at private schools para bukas, Nobyembre 13.
Inanunsyo ang direktiba ni Mayor Isko Moreno sa Twitter post ng Manila Public Information Office (MPIO) nitong Huwebes ng hapon.
“BREAKING: Manila City Mayor @IskoMoreno suspends classes in all levels, including graduate school, in both public and private schools tomorrow, November 13, 2020,” sabi sa tweet ng MPIO.
BREAKING: Manila City Mayor @IskoMoreno suspends classes in all levels, including graduate school, in both public and private schools tomorrow, November 13, 2020#AlertoManileno #WalangPasok pic.twitter.com/HeKB3gCO0W
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) November 12, 2020
Ayon sa local government, kabuuang 1,125 na pamilya o mahigit 4,600 indibiduwal sa lungsod ang nananatili pa sa mga evacuation center habang nasa Central Luzon si “Ulysses”.
Sa ngayon ay nakataas pa ang Signal No. 2 sa Metro Manila at ilan pang lugar sa Luzon. (IS)