23

Nov 16, 2020 @ 17:36
By

Klase sa Marikina suspendido ng 1 buwan

Inanunsyo ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na walang pasok sa mga paaralan sa kanilang lungsod sa loob ng isang buwan.

Ito’y kasunod ng pananalasa ng bagyong Ulysses, kung saan lumubog sa baha ang malaking parte ng naturang lungsod.

Ang suspensyon ng klase ay para mabigyan ng sapat na panahon ang mga Marikenyo na masaayos ang kanilang mga tahanan at iba pang gamit na nalubog sa baha at putik.

Ang suspensyon din ay para magkaroon ng oras ang mga opisyal ng eskuwelahan sa lungsod na maayos muli ang mga learning module na nasira ng bagyo.

Isa ang Marikina sa pinakamatinding tinamaan ng bagyong Ulysses, kung saan umabot pa sa 21.9 ang water level ng Marikina River na nagpabaha sa ilang lugar sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?