12

Nov 17, 2020 @ 21:11
By

Klase sa Cagayan suspendido buong Nobyembre

Kanselado na ang klase sa lahat ng antas sa probinsya ng Cagayan hanggang November 30.

Ito’y base sa public advisory ng Cagayan Provincial Information Office nitong Martes.

Ang suspensyon ay para sa pampubliko at pribadong paaralan.

“Ito ang deklarasyon ngayon ni Gov. Manuel Mamba sa gitna ng iniwang pinsala ng naranasang pinakamalala at pinakamalaking baha sa kasaysayan ng Cagayan,” saad sa advisory.

Samantala magbabalik ang trabaho sa gobyerno sa Cagayan simula November 18.

Isa ang Cagayan sa malubhang sinalanta ng bagyong Ulysses at nilagay na ang buong probinsya sa state of calamity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?