27

Apr 23, 2020 @ 14:45
By

Klase sa Baguio posibleng ‘di magbukas sa Hunyo

Pabor si Baguio Mayor Benjamin Magalong na huwag munang sa Hunyo magbukas ang school year sa summer capital.

“I am inclined not to allow the new semester or school year to open in June looking at the numbers,” wika niya.

Aniya, maliban na lang kung bababa ang kaso ng coronavirus disease sa lugar o nakadiskubre na ng bakuna laban dito.

Kalahati ng university student population sa Baguio ay mula sa ibang lugar kabilang na ang Pangasinan at Metro Manila, kung saan naitala ang mataas na infection rate.

Sa ngayon ay mayroong nang 19 COVID-19 patients sa Baguio simula noong Marso habang 12 na ang nakarekober.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?