217

Oct 6, 2018 @ 11:37
By

Klase sa Arellano suspendido dahil sa chemical spill ng bumanggang truck

Ipinatigil muna ang klase sa Arellano University sa Maynila makaraang sumalpok ang isang container van na naglalaman ng mga kemikal sa isang L300 van malapit sa nasabing unibersidad.

Inanunsiyo ito ni Manila Mayor Erap Estrada, na kasama ang lahat ng antas sa paaralan, dahil na rin sa rekomendasyon ng Manila Disaster Risk Reduction Office at Bureau of Fire Protection.

Ayon sa mga report, binabagtas ng container truck ang kahabaan ng Legarda nang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng truck na naglalaman ng mga kemikal dahilan upang makabangga ito.

Kasalukuyan naming ginaganap ang clearing operations para maiwasan ang iba pang aksidente dahil sa delikadong kemikal. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?